-- Advertisements --

Inilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang traffic reroute sa gagawing victory parade ng mga darating na atleta ng bansa na sumabak sa Paris Olympics.

Pangungunahan nina double gold medalist gymnast Carlos Yulo, at mga bronze medalist na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio ang Philippine team.

Mula sa paliparan ay didiretso ang mga ito sa Philippine International Convention Center (PICC) sa lungsod ng Pasay kung saan magsisimula ang parada ng alas-3 ng hapon at sila ay didiretso sa MalacaƱang Palace kung saan makakasalamuha sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa MMDA na ipapatupad nila ang ang stop-and-go traffic scheme.

Mula kasi sa PICC ay dadaan ang convoy ng mga atleta sa V. Sotto Center island at kakaliwa sa Roxas Boulevard tapos kakanan sa P. Burgos Avenue, diretso ng Finance Road at diretso sa Ayala Boulevard patungo sa Casal Street, Legarda Street liliko pakanan ng Chino Roces Bridge o Mendiola, kakaliwa sa Jose Laurel Street at sa palasyo.

Magpapakalat ang MMDA ng mga dagdag na tauhan sa mga dadaanan ng mga convoy na siyang magkokontrol ng trapiko.