-- Advertisements --

Inilabas na ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority ang binuo nitong Traffic management plan para sa isasagawang National Rally for Peace ng mga miyembro ng INC.

Ang mapayapang kilos protesta ay isasagawa ng INC sa Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila sa araw ng Lunes , Enero 13.

Sa isang pahayag ay sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na posibleng umabot sa mahigit isang milyong miyembro ng naturang sekta ang dadalo sa pagtitipon na ito.

Magmumula ito sa ibat-ibang lalawigan sa bansa.

Una ng sinabi ng INC na ang kanilang isasagawang peace rally ay bilang pagsuporta sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang maidudulot na maganda kung pagtutuunan ng pansin ang impeachment laban kay VP Sara Duterte.

Kaugnay nito ay sinabi ng ahensya ng magdedeploy sila ng mahigit 1,300 na mga tauhan para umasiste sa naturang rally.