-- Advertisements --

Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at PNP sa pagpapatupad ng seguridad at pagbabantay sa daloy ng trapiko sa pagsisimula ng filing of certificate of candidacy (COC) mula Oktubre 1-8 sa Cultural Center of the Philippine (CCP) Complex.

Ayon sa MMDA na magpapatupad ang mga ito ng one-way traffic scheme mula ala-singko ng umaga sa Atang Dela Rama Street, Buendia Avenue at Jalandoni Street.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan na lamang sa uîuîùùalternatibong daan para hindi na maabala.

Magpapakalat din ang PNP ng mga kapulisan sa lugar para matiyak na walang sinumang manggugulo sa nasabing filing of candidacy.

Nakipag-ugnayan na rin ang MMDA at PNP sa Pasay City local government para tumulong sa pagpapanatili ng katahimikan at magandang daloy ng trapiko sa lugar.

Inaasahan naman ng Commission on Election na magiging tahimik ang nasabing filing of candidacy dahil sa ipinatupad nilang pagbabago bunsod ng COVID-19 pandemic.

Magugunitang gaganapin ang COC filing sa mga inilaan na tents ng Sofitel Philippines Plaza, Manila.