-- Advertisements --

Inilipat na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga sasakyang naka-impound sa kanilang impounding area sa Roxas Boulevarad, Pasay.

Ayon kay Traffic Discipline Office Atty. Victor Nunez, ito ay alinsunod sa kautusan ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes.

Ang nasabing mga sasakyan ay ililipat sa kanilang impounding area sa Tumana, Marikina City.

Aabot sa 300 na mga sasakyan ang ililipat sa bagong impounding area ng MMDA.