-- Advertisements --

Handang ipagamit Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang EDSA inner bus lanes para sa mas mabiis na paglalakbay ng mga COVID-19 vaccines sa iba’t-ibang pagamutan at ilang mga local government units.

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na bukas ang nasabing bus lanes para sa mga sasakyan na may dalang COVID-19 vaccines.

Tiniyak din nito na sa tuwing mayroong sasakyan na may dalang bakuna ay may itatalagang MMDA personnel na mag-mamando ng trapiko.

Bukod sa bus lanes ay maaari ring magamit ang mga nakatalagang bus carousel bilang alternatibong daanan ng mga truck na mayroong dalang bakuna.

Magugunitang mula ng dumating ang bakuna ay dinala na sa iba’t-ibang mga pagamutan ito kagabi.

Nakahanda na rin aniya ang kaniyang mga personnel na magpaturok ng bakuna.