-- Advertisements --
Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Commission on Elections (Comelec) na malaking tulong ang ginawa nilang ugnayan.
Nagkaroon kasi ng kasunduan ang dalawang ahensiya na ipapagamit umano ng MMDA ang kanilang pasilidad sa darating 2025 National and Local Elections.
Sinabini MMDA chairperson Romando Artes, na hindi lamang mga kagamitan kanilang ipapahiram at sa halip ay maging ang mga tauhan nito.
Tutulong ang MMDA sa pagtanggal ng mga iligal na election posters sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.