-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Metropolitan Manila Development Authority na mayroong silang pinapaburan na kandidato sa pagsasagawa ng mga motorcade.

Sinabi ni MMDA officer-in-charge Romante Artes na lahat aniya ng mga panuntunan sa pagsasagawa ng motorcade ay kanilang mahigpit na ipinapatupad.

Ilang mga kandidato na rin ang kanilang natiketan dahil umano sa paglabag ng nasabing mga batas trapiko .

Sa ilalim ng MMDA guidelines, ang campaign caravans at motorcades ay maaari lamang isagawa tuwing weekends mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga.

Dapat aniya ay makipag-ugnayan ang mga ito sa kanilang opisina kung balak nilang okupahin ang isang lane ng kalsada.