-- Advertisements --
edsa
EDSA ban

Kinansela ng Metropolitan Manila Development Manila (MMDA) ang number coding scheme para sa mga public utility vehicles (PUV) ngayong araw, Setyembre 30.

Ito ay para maiwasan ang kakulangan ng PUV dahil sa isasagawang nationwide transport strike.

May mga inilaan naman ang MMDA na libreng sakay para sa mga mananakay na maaapektuhan ng nasabing tigil pasada sa Metro Manila.

Magugunitang ipapatupad ng mga transport group ang nationwide tigil pasada dahil sa pagkontra sa jeepney modernization ng gobyerno.