-- Advertisements --

Kinokonsidera at sasailalim pa sa malalim na pagaaral ang paglalagay muli ng motorcycle lanes sa kahabaan ng EDSA ayon yan kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando Artes.

Aniya, ang restroration ng motorcycle lanes ay dapat na munang pagaralan upang matignan rin kung maaari pa bang maglagay ng panibagong lane sa EDSA gayong mayroon ng bike lane at bus lane sa magkabilang gilid ng daanan na ito.

Karaniwan kasi na limang lanes lamang ang bukas sa EDSA at kung magkakaroon pa ng exclusive para sa motorcycle, trucks at maging private vehicles ay nakikitang hindi magiging efficient para sa daloy ng trapiko ang mga ito.

Kasunod nito ay tiniyak naman ni Artes na hindi naman isinasara ng kanilang pamunuan ang maaaring posibilidad ng pagbabalik ng motorcycle lanes ngunit sa kabilang banda ay kailangan muna itong sumailalim sa isang masusing pagaaral para malaman kung ito ba ay magiging epektibo at magiging beneficial sa mga motorista at sa lansangan.

Samantala, patuloy naman ang MMDA sa pagpapatupad at pagtatalaga ng kanilang mga peronel para sa Holy Week exodus na inaasahang maguumpisa na sa Miyerkules, ngayong linggo.