-- Advertisements --
Magpupulong sa susunod na linggo ang Metropolitan Manila and Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ilang mga ahensiya para talakayin ang panuntunan sa paghuli sa mga unconsolidated public utility jeepneys (PUJs).
Aminado kasi ang MMDA na wala silang pinanghahawakan na guidelines o memorandum mula sa Department of Transportation at LTFRB kung paano huliin ang mga unconsolidated na mga pampasaherong sasakyan.
Sa kasalukuyan ang ginagawa ng kaniyang traffic enforcers ay ang regular na panghuhuli sa mga lumalabag sa trapiko.
Sakaling magkaroon na ng guidelines na silang pinanghahawakan ay maari na silang manghuli ng mga hindi nagpa-consolidate na mga pampasaherong sasakyan.