Nilagdaan ngayong araw ng MMDA ang Memorandum of Understanding para sa implementasyon ng Konsultasyong Sulit at Tama o Konsulta Program ng PhilHealth-NCR.
Sa ilalim ng kasunduan, ang MMDA ay imomonitor ang implementasyon ng Konsulta Program ng kanilang mga personnel upang masiguro ang accreditation ng MMDA Medical Clinic.
Itong clinic ay magbibigay ng health services tulad ng screening at assessment sa health risk ng bawat indibidwal.
Sa kabilang dako naman ang PhilHealth ang siyang magfafacilitate ng accreditation nitong MMDA Medical Clinic na nakabatay sa standards, rules at procedure ng PhilHealth Cicurlar para sa Konsulta Provider Accreditation.
Kasama sa lumagda ay sina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, at PhilHealth NCR Vice President Dr. Bernadette Lico.
Ayon kay Artes, malaki ang magiging tulong nitong Konsulta Program sa empleyado ng MMDA upang maiwasan ang pagkakaroon ng chronic diseases.
Kung maaalala itong PhilHealth Konsulta Program ay napapailalim sa Republic Act. No. 11223 o ang Universal Health Care Act.
Kabilang sa mga packages nito ay ang consultation, health risk screening at assessment, 13 laboratory tests, at 21 maintenance drugs at medicines.