Inanunsyo ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority na aabot sa kabuuang 914 na mga tauhan ng ahensya ang kanilang ipapakalat kaugnay sa gaganaping kick-off rally ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand sa Maynila sa Linggo, Enero 28.
Sa isang pahayag, sinabi ng MMDA na ito ay kinabibilangan ng mga mga traffic personnel,road emergency group,sidewalk clearing operations,towing at impounding at iba pa.
Pangunahing layunin nito na umalalay sa inaasahang daloy ng trapiko kasabay ng programa.
Isasara kasi ang mga lansangan sa paligid ng Quirino Grandstand sa naturang lungsod.
Bukod dito ay magpapakalat rin sila ng mga ambulansya, tow truck, mobile patrol units, motorcycle units at flood mitigation equipment sa mga rutang itinalaga.
Naglaan rin ang ahensya ng mga designated parking area para sa mga bus at kotse na makikiisa sa naturang programa.
Kung maaalala, naglabas ng traffic re-routing plan ang MMDA na may kaugnayan sa mga isasarang lansangan kabilang na ang mga magagamit ng mga alternatibong ruta.