-- Advertisements --
Magpapakalat ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng kanilang mga tauhan na tutulong sa mga person with disability na makaayat sa rampa EDSA Busway na matatagpuan sa PhilAm station.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng batikos na ukol sa PWD ramp na hirap na magamit ng mga may kapansanan dahil sa sobrang tarik nito.
Depensa pa ng MMDA na kaya inilagay ang rampa dahil sa limitado ang espasyo nito at kung wala aniya ito ay hindi mailalagay ang elevator na isang malaking ginhawa sa mga mananakay.
Pinabulaanan din ng ahensiya na ang nasabing rampa ay sobrang tarik gaya ng mga batikos.
Mayroon aniyang height restriction sa Metro Rail Transit kaya ganun na lamang ang kataas nito.