Magpapatupad ng ‘No Day Off, No Absent policy ang Metropolitan Manila Development Authority sa kanilang mga kawani at tauhan ngayong Miyerkules Santo.
Ginawa ng ahensya ang pahayag, kasabay ng kanilang pag-iikot sa ilang bus terminal sa Edsa-Cubao, QC.
Ayon sa ahensya, aabot sa mahigit 2,000 na mga MMDA personnel ang kanilang idedeploy.
Layon nitong maging matiwasay at ligtas ang byahe ng mga pasahero patungo sa kanilang mga lugar ngayong Holy Week.
Kabilang sa kanilang ipapakalat ay mga enforcer, road emergency group, medical personnel at Metro Parkways Clearing Group na siya namang maghahatid ng mga assistance sa mga terminal ng bus.
Inaasahan rin ng ahensya ang bugso ng mga pasaherong paluwas ng Metro Manila sa bukas Miyerkules Santo.
Pinaalalahanan rin nito ang mga magulang na pagsuutin ng facemask ang kanilang mga batang anak maging ang mga matatanda para hindi mahawa ng pertussis o whooping cough.