-- Advertisements --

Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng road closure sa ilang mga lansangan sa Lungsod ng Maynila sa Miyerkules, Hunyo 12, para bigyang-daan ang pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ayon kay MMDA acting chairman Don Artes, ang pagsasara ng kalsada ay may kaakibat na deployment ng kabuuang 1,156 na tauhan sa mga strategic location para matiyak ang maayos na pamamahala sa trapiko at matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng lahat na gumagamit ng kalsada.

Sinabi niya na ang mga ambulansya, mga trak ng militar, mga dump truck, tow truck, at iba pang resources ay ipapadala rin.

Naka-line up na rin umano ang mala-festival na pagdiriwang mula Hunyo 10 hanggang 12, na gaganapin sa Rizal Park Burnham Green sa tapat mismo ng Quirino Grandstand.

May inihanda na rin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at non-government organization na mga aktibidad para sa publiko.

Mula 6 a.m. hanggang 10 a.m., ang mga sumusunod na kalsada ay pansamantalang isasara sa trapiko ng sasakyan:  

•         Roxas Blvd – both bounds mula TM Kalaw hanggang P. Burgos

•         TM Kalaw – mula Ma. Orosa hanggang Roxas Blvd. westbound

Mula naman 1 p.m. hanggang 10 p.m., 

•         Roxas Blvd. – mula UN Avenue hanggang P. Burgos Ave. (both bounds)

•         TM Kalaw – both Sides mula Roxas Blvd. hanggang Taft Ave.

•         P. Burgos Avenue – both sides at Finance Road

•         Bonifacio Drive – mula Anda Circle hanggang P. Burgos Ave.

Ani Artes, ang mga katabing kalsada sa loob ng Rizal Park at Quirino Grandstand ay gagamitin din para sa okasyon.

Pinapayuhan umano nila ang mga trak, driver, at motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. 

Para sa mga Public Utility Vehicle at pribadong sasakyan na papunta naman sa north, sinabi ng MMDA na mula Roxas Boulevard, kumanan sa Quirino Ave. o U.N. Avenue pagkatapos ay kumaliwa sa Taft Avenue patungo sa destinasyon.

Para sa mga pribadong sasakyan:

Mula sa R-10 papuntang Anda Circle, kumaliwa sa Soriano Ave, kumanan sa Solana St. kumaliwa sa Muralla St., pagkatapos ay dumiretso sa Magallanes Drive, kumanan sa P. Burgos Ave. patungo sa destinasyon.

Para sa mga trak na papunta sa northbound at southbound:

SLEX, Osmeña Highway, Quirino Ave., Nagtahan St., Lacson Ave., Yuseco St., Capulong St., R-10 Road, hanggang sa destinasyon.