-- Advertisements --

Magtatalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mahigit 1,300 personnel para umasiste sa pamamahala sa daloy ng trapiko sa inaabangang ikatlong State of The Nation Adress ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambasa Complex sa lungsod ng Quezon sa Hulyo 22.

Sa isang pulong balitaan ngayong araw ng Sabado, sinabi ni MMDA Traffic Operations Officer Manny Miro na sila ang nakatoka sa pangangasiwa ng trapiko sa mga sasakyan, pedestrians at magsisilbing emergency respondents sa araw ng SONA.

Magsasagawa rin aniya ang mga tauhan ng MMDA ng clearing operation sa mga kalsada at bangketa at babantayan ang trapiko sa mga highway patungong Batasang Pambasa Complex.

Maglalabas din ang MMDA ng mga rutang isasara ilang araw bago ang SONA.