-- Advertisements --

Mahigpit pa rin na ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang quarantine pass system sa National Capital Region (NCR) kapag naging epektibo na ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na gaya ng ipinatupad noong nakaraang taon ay yun din ang gagawin.

Dedepende rin aniya ito sa mga local government unit kung maglalabas sila ng bagong klase o yung dating uri ng quarantine pass.

Ang nasabing hakbang aniya ay inisyal lamang para masawata ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.

Magugunitang inilagay sa ECQ ang NCR mula Agosto 6-20.