-- Advertisements --
Makikipag-ugnayan na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga iba’t-ibang ahensiya para sa tamang pagkustodiya ng mga pasyente na namatay dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pelagio, na hindi sila ang responsable sa pagkulekta, paglipat at pagpapalibing sa mga bangkay at sa halip sila ang magiging tulay lamang sa pagitan ng hospital, mga local government units o LGU at mga punerarya o crematory services.
Para maging systematic ang proseso ay pupulungin ng MMDA ang mga opisyal ng iba’t-ibang ahensiya, Department of Interior and Local Governments, LGU at mga funeral at crematory services.
Umaasa sila na magawa sila ng tamang paraan para sa epektibong paghawak ng mga bangkay.