-- Advertisements --

Nanawagan ngayon ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority o MMDA sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na payuhan ang kanilang mga empleyado o kawani hinggil sa mga guidelines sa paggamit ng EDSA busway.

Matapos kasi ang isinagawang mga operasyon ng mga tauhan ng MMDA , lumalabas na karamihan sa mga violators ay pawang Government vehicles.

Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Special Operations Group -Strike Force Officer-In-Charge Gabriel Go, ang kanilang hanay ay seryoso sa pagpapatupad ng batas trapiko.

Tiniyak rin ni Go na wala silang kinikilingan sa mga lumalabag sa kanilang panuntunan.

Punto pa ng opisyal, ang mga kawani ng gobyerno ay dapat ang siyang manguna sa pagiging role model ng nakararami.

Malinaw kasi sa guidelines na hindi pinapayagan ang pagdaan ng mga sasakyan ng Pamahalaan maliban na lamang kung ito ay kabilang sa convoy ng 5 pinakamataas na opisyal ng bansa.

Kabilang nga sa mga maaring gumamit ng Edsa Busway ay Ambulansya at rerespondeng Pulis.