-- Advertisements --

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga nagbebenta ng complimentary passes ng Metro Manila Film Festival.

Ayon sa MMDA, na ipinagbabawal ang nasabing pagbebenta dahil ito ay ibinbigay para lamang sa mga empleyado ng MMDA at may nakalagay sa ticket na hindi ito ipinagbibili.

Mahigpit din aniya ring ipinagbabawal ang paggawa ng mga pekeng MMFF passes at binalaan ang mga ito na sila ay kakasuhan.

Ipapalabas sa lahat sinehan ang walong MMFF entries mula Disyembre 25 hanggang Enero 7, 2020.