-- Advertisements --

Mayroong kabuuang 2,542 na mga traffic personnel ang itinalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Semana Santa.

Bilang pagtugon sa no-day-off policy para sa kanilang personnel ay itatalaga ang mga ito sa mga petsang Abril 16, 17 at 21.

Sinabi ni MMDA Traffic Enforcement Group director Atty. Victor Nuñez, na sa nasabing mga petsa ay inaasahan nila ang pagdami ng mga pasahero sa iba’t-ibang terminals at pantalan sa bansa.

Noong nakaraang mga araw din ay nagsagawa na sila ng random drug testing sa 50 bus drivers kung saan walang lumabas na nagpositibo.

Mula Abril 16 hanggang 20 ay papayagan na nila ang mga provincial buses na makapasok sa EDSA lalo na ang mga galing sa mga terminal ng Cubao at sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).