LEGAZPI CITY – Nagpatupad ng indefinite suspension ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa planong pagbabawal ng mga provincial buses sa EDSA.
Masayang ibinalita ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na resulta ito ng mga naging pag-uusap sa pagdinig, legislative investigation, at pag-uusap ng MMDA at Department of Transportation.
Ipinapakita lamang aniya nito na walang pangangailangan o rason sa pagbabawal sa mga provincial buses at pagkansela ng permit ng mga provincial terminals.
Wala umanong naipalabas na kongkretong timeline ang MMDA para sa implementasyon habang nasa 5% lamang ng mga provincial buses ang pumapasok sa EDSA.
Dagdag pa ni Garbin na kailangang magrely lamang sa mga epektibo at reliable na mass public transport itinuturing na “greatest equalizer.”
Dapat din aniyang timbangin ang safety at covenience ng mga pasahero mula sa Bicol, Visayas at Mindanao.