-- Advertisements --
EDSA BUS CAROUSEL

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na susugurin nito ang mga motorista na lalabag sa batas trapiko, lalo na ang mga gumagamit ng EDSA Bus Carousel.

Sumulat ang ahensya sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na umaapela na patawan ng parusa partikular ang dalawang motorista.

Isa ang taxi driver na gumamit ng EDSA Bus Carousel at humarang sa daloy ng city buses nang maapektuhan ng 19 inches na baha ang bahagi ng EDSA northbound lane malapit sa Gate 3 ng Camp Aguinaldo sa Quezon City noong Setyembre 23.

Ang mga basura – kabilang ang isang buong panel ng plywood – na nakabara sa drainage system sa naturang lugar na naging sanhi ng baha, na nagpahinto sa daloy ng trapiko sa EDSA sa loob ng humigit-kumulang dalawang oras.

Ayon sa letter ni acting MMDA Chairman Romando Artes, dapat parusahan ang hindi pinangalanang taxi driver dahil sa “irresponsible” behavior bukod sa pagsasawalang-bahala sa mga traffic signs at obstruction.

Paulit-ulit na nagbabala ang MMDA sa mga motorista na walang pribadong sasakyan ang dapat gumamit ng EDSA Bus Carousel lane, ang innermost lane ng EDSA ay nakalaan para sa mga city bus at emergency vehicle.