Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga nagbebenta ng mga pekeng complimentary tickets para sa 2023 Metro Manila Film Festival.
Kasunod ito sa pagkakaaresto ng Quezon City PNP sa tatlong suspek na nagbebenta ng pekeng complimentary tickets.
Sinabi ni PMAJ Fred Taran, Acting Chief ng Quezon City Police Department District Special Operations Unit, na halos magkaparehas ang security features ng orihinal na tickets kung hindi ito gagamitan ng scanners.
Naaresto ang mga suspek matapos na tawagan sila ng pansin ng MMDA ng talamak na pagbebenta ng complimentary tickets gayung hindi pa sila naglalabas nito.
Lumabas sa imbestigasyon ng kapulisan na galing umano sa empleyado ng MMDA ang nasabing pekeng tickets.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naaarestong suspek.