Nagdeploy ang Metropolitan Manila Development Authority ng kanilang mga bagong high-tech Mobile Command Center (MCC) para sa katatapos lamang na ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ipinagmalaki ni MMDA Acting Chairman Romando Artes, na ang naturang MMC din ay maraming mga kakaibang features na siyang nakakonekta sa MMDA Communication and Command Center.
Layunin nito na palakasin ang traffic management at public safety monitoring sa Metro Manila at pagsisiguro na mamo-monitor ang mahahalagang events sa bansa kagaya na lamang ng naganap na SONA ng pangulo.
Mayroon itong mga communication system kagaya na lamang ng portable command at dispatch system, multimode radio, remote CCTVs at mga drones.
Ani Artes, mayroon daw silang satellite internet services ang kanilang mobile command center at kung sakali raw na ipag-utos ni PBBM na ipadala ito sa probinsya ay maari itong dalhin at gamitin bilang mobile incident command post.