Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority na naghahanda na rin ang kanilang hanay sa paparating na x-mas rush.
Mas mainam rin aniya na paghandaan na ito ng mas maaga para maging maaayos ang lagay ng trapiko sa ganitong mga panahon.
Kaugnay nito ay sinabi ng ahensya na nakatakda nilang pulungin ang mga mall operators sa Metro Manila kabilang na ang mga kinatawan ng mga utility companies.
Kanilang tatalakayin ang mga gagawing preparasyon sa panahon ng Pasko kabilang na ang usapin sa trapiko sa Metro Manila.
Mismong si MMDA Chairman Atty. Don Artes ang mangunguna sa naturang pulong katuwang ang mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR).
Kaugnay nito ay pag-uusapan rin ang mga adjustment sa mall hours upang maiwasang bumigat ang lagay ng trapiko.