-- Advertisements --
MMDA

Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpaplano para sa inaasahang matinding trapiko sa panahon ng holiday rush.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kasama sa plano ang mahigpit na pagsubaybay sa mga pangunahing lansangan, tulad ng kahbaan ng EDSA, C5, Balintawak, at Commonwealth Avenue, habang papalapit na ang holidays.

Sinisikap din ng ahensya na palawigin ang oras ng trabaho ng mga field personnel hanggang hatinggabi sa darating na kapaskuhan upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada.

Aniya, kapag masama ang panahon at rush hour, mas mabagal ang daloy ng trapiko.

Sa panig ng MMDA, patuloy aniya nilang gagawin ang kanilang makakaya upang maibsan ang pagbaha at pamahalaan ang trapiko, lalo na sa panahon ng rush hour.

Ang MMDA ay nagsusumikap din sa pagiging “proactive” sa mga tuntunin ng maintenancae ng kalsada upang maiwasan ang karagdagang mga pagkakataon ng pagbaha sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.