Iminungkahi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang maaaring pagpapatupad ng EDSA fee sa mga motoristang dadadaan dito.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, ito ay pinagiisipan pa lamang at nananatiling suhestiyon para sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa EDSA dahil sa mga rehabilitasyong isasagawa dito.
Samasailalim pa rin aniya sa pagaral ang mga suhestiyon na ito ngunit sa kabilang banda, paliwanag niya, maaari itong ihalintulad sa bansang Singapore na nagpapatupad ng congestion charges para makapasok sa siyudad ang mga pribadong sasakyan sa piling mga oras lamang.
Dito ay sisisngilin ng certain charges ang isang motorista upang mapayagan itong magdala ng sasakyan papasok sa EDSA.
Ang hakbangin aniya na ito ay para mahikayat ang publiko na sumakay at gumamit ng mass public transportation para mapaalwan ang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Dagdag pa ni Artes, magiging kagaya ito ng mga toll fee sa mga expressways kung saan sisingilin ang mga pribadong sasakyan ng fee para makadaan dito.
Sa ngayon ay isa muna itong proposal bilang bahagi pa rin ng EDSA rehabilitation.
Samantala, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na rin ang nagpahayag na tsaka lamang ito magiging functional kung mayroon nang mga alternatibo at kung maayos at mabilis na ang transportasyon sa Metro Manila.
Aniya, kung maniningil at wala namang alternatibong magagamit ang mga motorista dahil congested din ang pila dito, hindi pa ito maituturing na timely na solusyon sa traffic congestion sa lansangan.
Sa ngayon ay nakapagpatupad na ang Baguio ng mga charges gaya ng suhestiyon na ito at kasalukuyang inoobsebahan pa ng pamunuan ang magiging epekto nito sa mga motorista at patuloy na pagaaralan din ng MMDA para sa maayos na implemestasyon nito kung sakali.