-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang pamamahagi ng MMDA ng mga malinis na tubig sa mga residente ng 2 munisipalidad sa Agusan del Sur na apektado ng mga pagbaha.
Ang mga pagbabahang ito ay dahil na rin sa mga pag-ulan bunsod ng low pressure area.
Kabilang sa mga dinala ng grupo ay solar-powered water filtration units.
Layon nga nitong makapagbigay ng malinis na inuming tubig sa mga residente ng ilang barangay sa lalawigan.
Sinabi pa ng ahensya na ang bawat sistema ay maaaring makapagsala ng 180 na galon ng tubig kada oras.
Kabilang sa mga lalawigan na naserbisyohan ng grupo sa nakalipas na dalawang araw ay ang Talacogon at Bunawan na kung saan pitong barangay ang nabigyan ng malinis na tubig dahil sa tulong ng MMDA.