-- Advertisements --
Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dapat gamitin ang lehitimong cashless at online channels sa pagbabayad ng mga multa sa MMDA.
Kasunod ito sa impormasyong nakarating sa MMDA na may ilang indibidwal na nagpapanggap na empleyado umano ng MMDA at nangungulekta ng bayad sa mga nahuhuling lumalabag sa batas trapiko.
Pinaalalahanan din nila ang mga mamamyan na agad nilang isumbong sa kanilang opisina ang mga kahina-hinalang gawain.
May ilang mga indibidwal aniya silang iniimbestigahan na nasa likod umano ng nasabing modus.