Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kandidato tungkol sa pagsasagawa ng motorcades o mga election-related caravans and motorcades ngayong election period.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando ‘Don’ Artes, pahihintulutan ang mga caravans at motorcades sa mga lansangan ng Metro manila tuwing weekends lamang.
Aniya, naglabas na ng kautusan ang kanilang pamunuan na hindi magbibigay ng permit ang MMDA na magsagawa ng mga motorcades at caravans sa mga kalsadang sakop ng kanilang tanggapan lalo na kung hindi naman weekend.
Kasunod nito ay pinaalalahanan din ni Artes ang mga kandidato na kumuha muna ng mga kaukulang permits para sa kanilang ikakasang mga programa.
Aniya, matitiketan ang mga sasakyan na lalahok sa mga rallies at motorcades bna hindi naman pinayagan ng kanilang tanggapan para magsagawa ng ganitong klase ng mga programa.
Samantala, hindi rin pinahihintulutan ng MMDA ang mga road closures, at ang parking along roadways habang nagkakasa ang mga kandidato ng kani-kanilang mga caravans lalo na’t umpisa na ng pangangampaniya ng mga local candidates.