Maaari nang gamitin ng mga Motorcycle rider ang emergency lay-by tuwing panahon ng tag-ulan.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng MMDA sa isang panayam ngayong araw sa mga kawani ng media.
Ginawa ni MMDA Acting Chair Artes ang panawagan kasabay ng pag-inspeksyon nito kaninang umaga sa bubuksang Emergency Lay-by area sa EDSA Quezon Avenue Flyover.
Kasabay ni Artes na bumisita si 1-Rider Party-list Representatives Bonifacio Bosita at Rodge Gutierrez.
Ayon kay Artes, magiging ligtas ang mga motorista sa opsyon na ito lalo na tuwing may kumpulan o siksikan ng mga motor na sumisilong sa tulay at footbridges tuwing maulan.
Samantala, pinagpaplanuhan rin ng MMDA na maglagay ng mas maraming Emergency Lay-by sa buong metro manila.
Kasama rin sa pagsasagawa ng inspeksyon ngayong araw ang iba pang kinatawan ng mga MCT.