Patuloy pa rin sa pag-iikot ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority sa ilang lugar sa Metro Manila.
Layon ng pag-iikot na ito na paalalahanan ang mga residente maging ang mga may-ari ng mga establishment na alisin ang mga nakaparadang sasakyan sa daan maging ang iba pang mga nakahambalang.
Kahapon nga ay nag-ikot ang MMDA Special Operations Group-Strike Force, sa may bahagi ng EDSA-Kamuning Flyover Southbound.
Layon ng patuloy na panawagan ng MMDA na gawing naluwag ang mga kalsada para sa mga motorista.
Sinimulan na kasi kahapon na sarhan ang EDSA-Kamuning Flyover ng DPWH at ito ay mananatiling sarado hanggang sa Oktubre 25 ng kasalukuyang taon.
Samantala, nakatakda namang tuluyang sarhan ang naturang tulay sa darating na Mayo 1.
Ito naman ay bubuksan nalamang para sa mga bus ng EDSA-Kamuning Flyover.
Layon rin ng pagsasarang ito na mabigyang daan ang muling pagsasaayos ng naturang tulay para sa kaligtasan ng mga motorista.
Maaari namang dumaan ang mga motorista sa mga alternatibong ruta.
Kabilang na rito ang Panay Avenue, Sgt. Esguerra, Timog, Mother Ignacia Avenue, GMA Network Drive, Eugenio Lopez Jr. Dr, Scout Borromeo, Samar Avenue, at iba lang lugar.