-- Advertisements --
image 26

Nagsagawa ng malawakang clean-up drive ang Metropolitan Manila Development Authority s ilang mga Barangay sa Pasay City.

Kabilang sa mga barangay ay ang 127, 128, 129, 130, 131, at 132.

Ito ay naglalayong mabawasan ang polusyon sa ilang mga drainage, waterways at maging sa mga kalsada.

Ang ilan sa mga ginawang paglilinis ng ahensya ay ang pagkuha ng mga basura sa mga drainage at daluyan ng tubig, pag trim ng mga puno, clearing sa mga sidewalks, pagpinta ng pedestrian at iba pa.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, itong bayanihan ay minamaximize ang resources ng ahensya upang masolusyonan ang problema sa polusyon.

Plano rin ng ahensya na magkaroon ng draft plan para sa integrated drainage system upang masiguro na maayos ang daloy ng tubig, maiwasan ang clogging at pagbaha sa Metro Manila.