-- Advertisements --

Nagsagawa ang Metropolitan Manila Development Authority ng isang roadside smoke emission test sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Layunin ng ahensya na matiyak na hindi naghahatid ng polusyon ang usok na nagmumula sa mga sasakyan na dumadaan sa mga kalsada.

Ito ay bahagi ng kampanya nila para sa anti-smoke belching bilang pagtugon sa Republic Act 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999 para sa malinis at ligtas na hangin sa ating bansa.

Ayon kasi sa mga pag-aaral, ang maruming hangin ay isang malaking banta sa ating kalusugan dahil maaari itong magdulot ng panganib, at ang mga kemikal at toxins nito ay maaaring magpahina ng ating immune system.