-- Advertisements --

Nagtala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 44, 493 na mga aksidente sa kalsada sa Metro Manila mula Enero hanggang Hulyo.

Ayon sa MMDA na 32,800 sa nasabing bilang ay resulta ng damage to property na mayroong 168 na matinding pinsala at 11,525 naman ang hindi gaano.

Nanguna ang buwan ng Mayo na mayroong pinakamaraming aksidenteng naitala na aabot sa 7,505 na sinundan ng Marso na mayroong 7,305.

Habang ang Hulyo ang may kakaunting naitalang aksidente sa kalsada na mayroong 3,277.

Ang mga sasakyan na may apat na gulong ang nanguna sa may pinakamaraming bilang ng mga sasakyan na nasangkot sa aksidente.

Inilabas ng MMDA ang nasabing datus ng traffic accident bilang bahagi ng pagsisimula ng pagpapatupad na ng single-ticketing system sa Metro Manila sa buwan ng Setyembre.