Handang-handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) oras na ilipat sa Alert Level 1 ang Metro Manila.
Ito ang tiniyak ni MMDA officer-in-charge Atty. Don Artes kung saan nakahanda ang kanilang kagawaran na ipatupad ang kahit ano mang polisiya.
Unang pinalutang ng mga grupo ng negosyante ang hirit na gawing Alert Level 1 na ang Metro Manila, na may kaakibat na pag-alis sa distancing protocols.
Ito ay sa kabila ng paninindigan ng Department of Health (DOH) na nananatiling “moderate risk” pa rin ang Metro Manila sa COVID-19 classification.
Ayon kay Artes, estriktong naipapatupad naman ng mga establisimyento ang minimum public health standards.
Pero ipapaubaya na lang nila sa mga eksperto ang pasya tungkol sa pagbaba ng capital region sa Alert Level 1.
Kung maalala, ika-4 na araw nang sunod-sunod na nakakapagtala ang Pilipinas ng mas mababa sa 5,000 kaso, matapos maitala ang 3,788 bagong kaso noong Biyernes.
Home Nation
MMDA nakahanda kung isailalim na sa Alert Level 1 ang Metro Manila
-- Advertisements --