Nakakulekta ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng nasa 170 sako ng mga basura sa Estero de Magdalena sa Tondo, Maynila.
Ayon sa MMDA na kasama nila ang Manila City Government, Department of Public Works and Highways (DPWH), Metro Parkways Clearing Group at mga Estero Rangers sa paglilinis sa lugar.
Isa kasi ang Estero de Magdalena na pangunahing tributaries ng Ilog Pasig o mga dinadaluyan ng tubig na konektado sa Ilog Pasig.
Mahalaga na regular itong nalilnisan para makadaan ng maayos ang tubig at hindi magdulot ng pagbaha sa lugar.
Sinabi pa ni MMDA Chairperson Romando Artes na hindi kaya ng mag-isa na linisan ang lugar dahil mahalaga ang pagtutulungan ng mga publiko lalo na ang segregation ng basura at ang tamang pagtatapon ng basura.