-- Advertisements --

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority na aabot na sa mahigit 13,000 na galon ng malinis na tubig ang kanilang naihatid sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Kristine sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon sa MMDA humanitarian team, nahatiran nila ng tulong ang halos tatlong libong pamilya sa mga lugar na apektado ng bagyo sa naturang lalawigan.

Nakatanggap ng ayuda mula sa ahensya ang Barangay de Loyola at San Francisco sa bayan ng Camaligan, Barangay Del Rosario sa Canaman, at Barangay Poblacion sa bayan Gainza sa Camarines Sur.

Paliwanag pa ng MMDA na ang pamamahagi nila ng malinis na tubig ay bilang tulong sa mga labis na naapektuhan ng bagyo partikular na sa mga lugar na nalubog sa baha.

Kung maaalala, nagpadala na rin ang ahensya ng 50-man team sa Bicol para tumulong sa isinasagawang rescue operation.