-- Advertisements --
Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng apatnapung road accident mula Christmas eve hanggang sa mismong araw ng Pasko.
Batay sa report ng MMDA, 18 mula sa 40 aksidente ay may naitalang sugatang pasahero o tsuper; ilan sa kanila ay nagtamo ng malulubhang sugat.
Sa Christmas Eve, 31 aksidente ang sunod-sunod na naitala sa iba’t-ibang bahagi ng National Capital Region.
Ang nalalabing siyam ay pawang naitala na sa mismong araw ng Pasko.
Ang mataas na bilang ng mga road accidents sa NCR ay sa kabila pa ng mas mababang bilang ng mga sasakyan sa mga kakalsadahan dahil na rin sa holiday exodus.
Ilan sa mga naiulat na uri ng vehicular accident ay mga hit-and-run, sideswiping, multiple collision, head-on-collision, at iba pa.