-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority na mag de-deploy ito ng Mobile Command Center sa Batasan corner Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ito ay kasabay ng isasagawang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr

Ang hakbang na ito ay may layuning mabantayan ang mga inaasahang kilos protesta na nakatakdang isagawa ng mga grupo kasabay ng SONA.

Gagamitin dito ang pinaka mahusay na Communications and Command Center ng MMDA sa lungsod ng Pasig.

Maliban dito ay ipapakalat rin ng ahensya ang kanilang mga ambulansya, tow truck, mobile patrol unit, motorsiklo, at iba pang kinakailangan.

Ilalagay rin nila ang traffic advisory signage kabilang na ang at plastic barrier.

Top