Umapela ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority sa lahat ng mga kandidato lokal man o nasyonal na maglagay lamang ng mga posters sa mga itinalagang lugar.
Naniniwala ang ahensya na sa ganitong paraan ay matitiyak ang malinis sa kapaligiran sa panahon ng campaign period.
Sa isang pahayag ay sinabi ni MMDA General Manager Procopio Lipana, tuloy-tuloy ang kanilang gagawing oplan baklas sa mga campaign materials sa wala sa tamang lugar.
Aminado ang ahensya na ngayon palang ay may mga kandidato na ang pasaway at hindi sumusunod sa guidelines .
Punto ng MMDA na ang bawat kandidato ngayong halalan ay may pananagutan na siguruhing maging malinis ang kapaligiran sa panahon ng kampanya.
Hinikayat rin nito ang mga kandidato na tumalima sa inilabas ng Commission on Elections hinggil sa mga common poster areas.
Pagsisiguro pa nito na kanilang kakastiguhin ang mga kandidato na hindi susunod sa mga alituntunin.