-- Advertisements --

Ilang araw nalang ay gugunitain na natin ang araw ng mga patay.

Ngayon palang ay pinaalalahanan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang publiko na panatiliin ang kalinisan sa mga sementeryo sa Metro Manila sa araw na ito.

Ayon sa MMDA, nagsimula na ang kanilang mga tauhan sa paglilinis sa mga sementeryo bilang paghahanda sa naturang kaganapan.

Idedeploy naman ang mga MMDA personel sa mga sementeryo sa Metro Manila hanggang November 3.

Sa loob ng mga panahong ito ay mandato ng mga tauhan ng ahensya na umalalay sa lokal na pamahalaan.

Kabilang naman sa mga nahahakot ng MMDA personel tuwing araw ng mga patay ay mga pinagkainan ng mga bumisitang kamag-anak at kapamilya .

Partikular na rito ang paper plates, styrofoam, plastic cups, balat ng tsitsiriya, at iba pang basura.

Samantala, natapos na ngayong araw ang palugit ng MMDA para sa mga pamilyang maglilinis ng mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.