-- Advertisements --
Binigyang linaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bawal pa rin ang mga menor de edad na magtungo sa mga malls at parks sa Metro Manila.
Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na maaari lamang makalabas ang mga bata kapag sila ay para bumili ng mga basic at essentials needs at mga outdoor individual exercises.
Maari lamang din makapunta sa mga mall ang mga bata kung ang kanilang mga dental clinics ay nandoon.
Dagdag pa ni Abalos na nagkasundo rin ang mga alkalde sa Metro Manila na payagan ang mga bata sa interzonal at intrazonal travels basta sila ay may kasamang nasa tamang edad.