Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi nila ipinagbabawal ang mall-wide sales sa Metro Manila para maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trpiko ngayong holiday season.
Ginawa ni MMDA official Victoria Maria Nunez ang naturang paglilinaw sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Services.
Paliwanag ng opisyal na sa pakikipagpulong ni MMDA Chairperson Don Artes sa mall operators noong Oktubre 17, hiniling lang aniya sa mga ito na huwag magsagawa ng magkakasunod na mall-wide sale at baguhin ang opening hours ng mga ito at ilipat mula 11 a.m. hanggang 12 a.m. mula Nobiyembre 18 hanggang Disyembre 25.
Maliban dito, sinabi din ng MMDA official na aapela ang ahensiya sa mall operators na tumanggap lamang ng truck delivery mula 10 pm hanggang 5am.
Iginiit ng opisyal na hindi kailanman nila pagbabawalan ang mga store o retailer mula sa pagsasagawa ng kanilang sariling sales.
Nauna naman ng sinabi ni MMDA Chariperson Romando Artes na ang closing time ay nakadepende sa discretion o pagpapasya ng mall owners.