Binigyang diin ni Metropolitan Manila Development Authority Chair Atty. Romando Artes na ibang ahensya ang nangangasiwa sa EDSA Busway at hindi sila.
Sa naging pahayag ni Artes , iginiit nito na mismong ang Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation ang nagpalit ng tagapangasiwa ng naturang linya.
Sa ngayon ay wala na silang tauhan na naka deploy sa bus carousel dahil hindi na ito sakop ng kanilang hurisdiksyon.
Sa sandaling hingin ng DOTR Special Action and Intelligence Committee ang kanilang tulong ay nakahanda naman aniya silang manghuli ng mga pasaway na motorista doon.
Isa aniya sa dahilan kung bakit inilipat na ang hurisdiksyon ay dahil na rin sa mga nagkakadobleng obligasyon.
Nakahanda rin itong humarap sa ikakasang imbestigasyon ng mataas na kapulungan ng Kongreso para magpaliwanag.