-- Advertisements --

Oobserbahan muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad mula ng number coding tuwing rush hour sa hapon na magsisimula ngayong araw Disyembre 1.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos na ang nasabing pagpapatupad muli nila ng number coding sa oras ng alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi ay para mabawasan ang dami ng mga sasakyan na bumabiyahe sa EDSA.

Ang nasabing number coding ay epektibo lamang ito para sa mga pribadong sasakyan.

Base sa kanilang pag-aaral na kapag maipatupad na ang number coding ay mababawasan ng 2,700 na sasakyan ang bumabiyahe sa EDSA.

Mananatili pa ring bawal na bumagtas sa EDSA ang mga light trucks mula 9 a.m. hanggang 9 p.m.