Wala paring patid ang Metropolitan Manila Development Authority sa pagsasagawa ng clearing operations sa mga rutang pagdaraanan ng Traslasyon ng Itim na Nazareno ngayong taon sa Maynila.
Ayon kay MMDA Special Operations Group – Strike Force chief Gabriel Go , aabot sa mahigit isang daan na mga sasakyan na iligal na nakapark at unattended ang kanilang hinila.
Ang naturang numero ay naitala mula pa noong Lunes habang nakapag isyu rin ito ng mahigit 200 tickets.
Kabilang din sa kanilang sinusuyod ay ang mga alternative roads para maging ligtas sa mga deboto ang lugar.
Dahil sa kanilang walang patid na operasyon ay halos wala na rin silang mahuling mga vendors sa lugar ngunit may mangilanngilan pa rin ang kanilang nasisita.
Magsisimula naman ang ruta ng Traslasyon sa Quirino Grandstand at magtatapos sa Quiapo Church na kung saan inaasahang dadaluhan ng milyon-milyong mga deboto.