Target ngayon ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority na palawakin pa ang Comprehensive Traffic Management Plan ng kanilang ahensya para sa National Capital Region.
Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes na malaki ang maitutulong ng synchronization sa lahat ng kanilang mga initiative sa traffic engineering at transportation planning.
Ito ay upang mabawasan at masolusyunan ang problema sa mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Artes, ang ganitong mga hakbang ay ginagawa na sa lungsod ng Bangkok sa Thailand at ang pagpapatupad nito ay naging epektibo.
Tiniyak din ng opisyal na buo ang suporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naturang traffic master plan.
Kung maaalala, nabuo ang Comprehensive Traffic Management Plan ng MMDA noong 2022 at ito ay suportado ng Japan International Cooperation Agency