-- Advertisements --

Pansamantalang papayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagdaan ng mga bus sa EDSA para sa mga pasaherong uuwi ng maaga para sa Holy Week at summer vacation.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, papayagan simula Abril 9 ang mga bus na dumaan sa EDSA sa pagitan ng 10:00pm hanggang 5:00am lamang ngunit pagdating ng Abril 20 ay papayagan bumyahe at dumaan sa EDSA ang mga bus ng 24hrs para naman sa mga papauwi at pabalik na ng Metro Manila.

Binigyang diin din ni Artes na dapat ang mga bus mula sa norte ay maaaring umabot hanggang Cubao Area habang ang mga mula naman sa south ay maaaring umabot hanggang sa Pasay area para maiwasan ang matinding trapiko.

Samantala, ito pa rin ay bahagi ng paghahanda ng MMDA para sa Holy Week at para sa mas ikakaginhawa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.